Karaoké Ang Huling El Bimbo Eraserheads
07:27
Tonalité identique à l'original : Fa♯
Chanter dans l’app
Télécharger pour Mac
Scanner pour télécharger l’application mobile
Paroles
Kamukha mo si Paraluman
No'ng tayo ay bata pa
At ang galing-galing mong sumayaw
Mapa-boogie man o cha-cha
Ngunit ang paborito
Ay pagsayaw mo ng El Bimbo
Nakakaindak
Nakakaaliw
Nakakatindig balahibo
Pagkagaling sa 'skuwela ay dederetso na sa inyo
At buong maghapon ay tinuturuan mo ako
Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig na tunay
Naninigas ang aking katawan
'Pag umikot na ang plaka
Patay sa kembot ng bewang mo
At pungay ng 'yong mga mata
Lumiliwanag ang buhay
Habang tayo'y magkaakbay
At dahan-dahang dumudulas
Ang kamay ko sa makinis mong braso ooh
Sana noon pa man ay sinabi na sa iyo oh
Kahit hindi na uso ay ito lang ang alam ko ho
Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig na tunay
La la la la la la
La la la la la
Lumipas ang maraming taon
'Di na tayo nagkita
Balita ko'y may anak ka na
Ngunit walang asawa
Tagahugas ka raw
Ng pinggan sa may Ermita
At isang gabi'y nasagasaan
Sa isang madilim na eskinita ha
Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw
Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw
Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig na tunay
Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig na tunay
La la la la la la
La la la la la
La la la la la la
La la la la la
Informations
Rendu célèbre par Eraserheads
Auteur-Compositeur : Ely Eleandre Buendia
Toute reproduction interdite
Cet enregistrement est une reprise de Ang Huling El Bimbo rendu célèbre par Eraserheads